Sunday, October 15, 2006

walang pamagat

marami nang akdang hindi pwedeng isadula. marami ding akda na hindi pwedeng isapelikula. mas malupit kung iisipin mo na madami ding kadang hindi nababasa. yun ang tema ng akong isusulat ngayon.
sa dinami dami ng nasusulat na berso ng isang akdang iyong nabasa, iilan lang ba ang tiyak mong maaalala? iilan lang sa hinagap mo ang hinaplos nito ng tunay na kabuluhan, katotohanan at katiyakan?
ilang kanta ang pwede mong masabing naglalarawan ng buhay mo?
ilang salita ang namutawi sa bibig ng ibang sadyang ikaw ang tinutukoy?
sa bawat oras at bawat panahon ng buhay ng isang tao, iisa lang ang katiyakan. ito ay kung ano ang nararanasan niya ng panahon na yun. isantabi mo na ang pananampalataya ng taong ito, ang lagay ng lipunan, ng kalikasan at ng katayuan sa madla. iisa lang ang alam ng taong ito sa isang tiyak na oras ng buhay niya, ito yung pakiramdam niya.
ako yung taong sa ngayon ay naguguluhan sa kinatatayuan ko.
paano mo sasabihin sa taong mahal mo na siya lang nasa puso mo? yung walang halong bola o stir, yung walang pagdaramdam sa nakaraan, walang kahit konting pagsisisi na sinabi mo?
paano mo aaminin ang isang bagay na nagawa mo na hindi mo na maibabalik pa? paano mo masasabihan ng "pasensiya na" ang isang taong wala namang nagawa sa yo kundi mahalin ang taong mahal mo?
paano mo masasabi sa magulang mo na ang taong mahal mo ay ang taong ayaw nila para sa yo? at ang taong ito ang gusto mong maging ama ng mga apo nila? at ang taong ito ang tanging mamahalin mo ng walang humpay hanggang sa oras na bawian ka ng buhay ng diyos na siyang may alam ng natatangi mong alam sa buhay mo?
paano mo sasabihin sa ibang tao na ang alam mo lamang ay kung paano mo gustong ipakipaglaban ang nararamdaman mo?
sa buong mundo, iisa lang nag maaring malaman ng tao-yun ay ang kanyang alam sa pagkatao niya, pagkakagtaon na dala ng samu't saring kasalimuoton ng buhay na siyang hindi maiiwasan. iisa din lang ang maaring maging sagot sa isipan mo-sundin ang nasa loob mo.

No comments: